Saloobin ng mga opisyal ukol sa pagsasalin ng mga resolusyon at ordinansa sa wikang katutubo
No Thumbnail Available
Date
2022-05
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Don Mariano Marcos Memorial State University - Mid La Union Campus
Abstract
Ang pag-aaral ay nakapokus sa pagsasalin ng mga resolusyon at ordinansa sa wikang Katutubo. Partikular na sinagot ang mga tiyak na katanungan gaya ng ano-ano ang antas ng saloobin ng mga opisyal ng Barangay Linuan ukol sa pagsasalin ng mga resolusyon at ordinasa sa wikang Ibaloi; ano-anong antas ng mga inaasahang suliranin sa pagsasalin ng mga resolusyon at ordinansa; at ano ang maimumungkahing materyalsa mga suliraning kahaharapin sa pagsasalin ng mga resolusyon at ordinansa. Deskriptibong paglalarawan ang ginamit sa pananaliksik na ito. Ang respondente ay mga opisyal ng Barangay Linuan. Gumamit ang mga mananaliksik ng tseklist sa pangangalap ng datos. Natuklasan na lubos na sumasang-ayon ang mga opisyal ng Brgy. Linuan na magandang isalin sa wikang Ibaloi ang mga resolusyon at ordinansa ngunit mahirap itong gawin. Natuklasan din na magiging suliranin sa pagsasalin ng mga resolusyon at ordinansa ang kawalan nila ng kaalaman sa pagsasalin. Iminumungkahi ang isang glosaryo bilang kasangkapan sa pagtugon sa mga suliraning kahaharapin sa pagsasalin ng mga resolusyon at ordinansa ng Bryg. Linuan.
Description
Full text
Keywords
Ordinances, Municipal, Generals, Translating and interpreting, Resolutions (Law)
Citation
Taynan, S. B., Ancheta, C. S., Calaley, L. M., Flores, D. G., Leyte, S. S., & Mueca, J. C. (2022). Saloobin ng mga opisyal ukol sa pagsasalin ng mga resolusyon at ordinansa sa wikang katutubo. [Unpublished Undergraduate Thesis]. Don Mariano Marcos Memorial State University - Mid La Union Campus, City of San Fernando, La Union. Lakasa ti Sirib, DMMMSU Institutional Repository.