Epekto ng new normal education sa akademikong aspekto
Loading...
Date
2022-05
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Don Mariano Marcos Memorial State Univeristy - Mid La Union Campus
Abstract
Pokus ng pag-aaral na malaman ang antas ng paggamit ng mga makabagong daluyan sa new normal education sa akademikong aspekto, antas ng pagsang-ayon sa mga suliraning kinakaharap at epekto sa performance ng mga mag-aaral ng new normal education sa akademikong aspekto. Deskriptibong paglalarawan ang ginamit sa pananaliksik na ito. Naging respondente ang 149 na mag-aaral mula sa programang Batsilyer ng Sining sa Filipino, taong Panuruan 2021-2022 ng Don Mariano Marcos Memorial State University Mid La Union Campus. Natuklasan sa pag-aaral na lubos na ginagamit bilang makabagong daluyan sa pag-aaral ang Google Classroom, Gmail at Messenger sa new normal education sa akademikong aspekto. Hindi malinaw ang instruksyon sa gawain, walang budget pang¬ online class, at hindi maka-send ng gawain sa tamang oras ang lumabas na mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa new normal education. Lumabas na lubos na kasiya-siya ang performans ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Filipino.
Description
Keywords
Citation
Martinez, J. A., Almonte, J. P., Jr., Chan, D. G., De Guzman, J. R., Ducusin, J. P. F., Rivera, A. L. (2022). Epekto ng new normal education sa akademikong aspekto. [Unpublished Undergraduate Thesis]. Don Mariano Marcos Memorial State University ā Mid La Union Campus, City of San Fernando, La Union. Lakasa ti Sirib, DMMMSU Institutional Repository.