Online na pagkatuto ng wikang Filipino sa panahon ng pandemya
Loading...
Date
2022-05
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus
Abstract
Nakapokus ang pag-aaral sa online na pagkatuto ng Wikang Filipino sa panahon ng pandemya. Partikular na sinagot ang mga tiyak na katanungan gaya ng kung anoano ang mga estratehiyang ginagamit sa pagkatuto online ng Wikang Filipino sa panahon ng pandemya; ano-ano ang mga positibong epekto online ng Wikang Filipino sa panahon ng pandemya; at pagbibigay mungkahing panuntunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng infographics. Ginamit ang deskriptibong pananaliksik sa pag-aaral na ito para malaman ang mga estratehiyang ginagamit sa pagkatuto online ng Wikang Filipino sa panahon ng pandemya at ang mga positibong epekto nito. Sa online na pagkatuto ay lumabas na higit na ginagamit ang estratehiyang learning modules at reading assignments. Ang positibong epekto ng online na pagkatuto ng Wikang Filipino sa panahon ng pandemya ay ang nauunawaan ang online na pagtuturo kahit hindi sapat ang oras at pagpapaliwanag. Kailangan pa ring ituro ng mga guro ang mga aralin na nasa modyul sa online para sa madaling pagkatuto ng mga mag-aaral.
Description
Full text
Keywords
Infographics, Internet in public administration, Electronic books, COVID-19 Pandemic (2020-2023), Pandemics, COVID-19 Pandemic, 2020-2023, in mass media, COVID-19 Pandemic, 2020-2023, in art, COVID-19 Pandemic, 2020-2023, in motion pictures, Pandemics in literature, Filipinos, Tagalog language
Citation
Villamor, A. D., Colasito, J. C., Dacumos, M. A. R., Dizon, A. J. P., & Domingo, M. C. (2022). Online na pagkatuto ng wikang filipino sa panahon ng pandemya. [Unpublished Undergraduate Thesis]. Don Mariano Marcos Memorial State University - Mid La Union Campus, City of San Fernando, La Union. Lakasa ti Sirib, DMMMSU Institutional Repository.