Undergraduate Theses
Permanent URI for this collection
Browse
Browsing Undergraduate Theses by Subject "HUMANITIES and RELIGION::Languages and linguistics"
Now showing 1 - 2 of 2
Results Per Page
Sort Options
Publication Code-Mixing ng pagbabalita sa telebisyon:(Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, 2024-05) Demendo, Vlagne Francis V.; Maglaya, Patrice M.; Montañez, Stephen Louise A.; Moster, Julius M.; Sotelo, Leah Lean P.yunit mula sa isang leksikal na aytem patungo sa isang pangungusap (Kim, 2006). Tatlo ang uri ng code-mixing ayon kina Muysken at Diaz (2000). Ito ay ang alternasyon, inseryson at konggruwent na leksikalisasyon na naging batayan sa pagsusuri ng code mixing. Layunin ng pag-aaral na galugarin ang pinakagamiting uri ng code-mixing sa pagbabalita at ang positibo at negatibong epekto nito sa mga nanonood ng balita sa telebisyon. Kwalitatibong Pagsusuring Pangnilalaman ang ginamit na disenyo ng pag-aaral. Ginamit ang frequency count para malaman ang pinakagamiting uri ng code-mixing sa pagbabalita sa telebisyon. Panayam naman ang ginamit na paraan sa pangangalap ng datos para malaman ang positibo at negatibong epekto ng code-mixing sa mga nanonood ng balita. Coding at thematic analysis ang ginamit sa pagsusuri ng mga datos. Natuklasan na mas ginagamit sa code-mixing ang konggruwent na leksikalikasyon sa pagbabalita. Napag-alaman din na sa paggamit ng code-mixing ay nakapagbibigay ito ng malinaw na paglalahad ng balita, nagpapalawak at napapadali ang pag-intintindi ng balita. Samantala, nagdudulot ng kalituhan sa mga nanonood ng balita ang paggamit ng mga salitang hindi naiintindihan at hindi pamilyar kaya mahirap maunawaan ang balita.Publication Kasanayan sa wastong paggamit ng gramatikang Filipino ng mga mag-aaral ng BSFIL(Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, 2024-05) Bugaoan, Loriemel D.; Calibuso, Rosemarie A.; Domondong, Kyle Alysa Shane P.; Manglicmot, Jessica A.; Nisperos, Jay-an R.; Quiamson, April Joy U.Ang gramatikang Filipino ay nagtatakda ng mga tuntunin sa wastong paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat at pagsasalita. Saklaw nito ang wastong anyo ng mga salita, kayarian ng mga pangungusap, at ugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pananalita. Mahalagang bahagi ito ng pagpapalaganap at pagpapalalim ng kaalaman sa ating pambansang wika. Layunin ng pag-aaral na alamin ang kasanayan sa wastong paggamit ng gramatikang Filipino ng mga mag-aaral ng BSFIL lalo na sa antas ng kasanayan sa wastong paggamit ng gramatikang Filipino: bahagi ng pananalita, gamit ng mga bantas, at sintaks; mga salik na nakaiimpluwensiya sa kasanayan ng mga mag-aaral sa gramatikang Filipino batay sa bahagi ng pananalita, gamit ng mga bantas, at sintaks; at pagbuo ng mungkahing Training Design. Descriptive-quantitative research design ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Sa kabuuan ay mayroong isang daan at labing walong (118) mga respondente na sumagot sa talatanungan na naging hanguan ng datos ng pag-aaral. Sinuri ng mga mananaliksik ang kasanayan sa wastong paggamit ng gramatikang Filipino ng mag-aaral ng BSFIL. Natuklasan na mataas ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ng BSFIL sa sintaks at bahagi ng pananalita. Pinakamababa naman ang antas ng kasanayan nila sa gamit ng mga bantas. Ang lumabas na mga salik na nakaiimpluwensiya sa kasanayan ng mga mag-aaral sa bahagi ng pananalita ay ang kakulangan sa pagkilala at paggamit ng mga pantukoy tulad ng “ang”, “si”, “sina”, at iba pa, kakulangan sa kaalaman sa mga pandiwa at pang-abay, at kakulangan sa mga pang-ukol at pangatnig. Sa gamit ng mga bantas ay ang pagkalito sa paggamit ng tutuldok-tuldok o elipsis at pagkakamali sa paggamit ng panaklong sa tamang lugar sa isang pangungusap. Sa sintaks naman ay ang pagkalito sa pagkabuo ng mga pangungusap, tulad ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita, kakulangan sa kaalaman sa mga tuntunin ng pag-uugnay ng mga salita sa loob ng pangungusap, kakulangan sa pagsasanay sa pag-analisa ng mga pangungusap, tulad ng pagkilala sa mga simuno, panaguri, at iba pang mga bahagi ng pangungusap, at kakulangan sa pag-unawa sa mga relasyon ng mga salita sa isang pangungusap.