Publication:
Chatgpt:

No Thumbnail Available
Date
2025-05
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus
Research Projects
Organizational Units
Journal Issue
Abstract
Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga makabagong kasangkapan sa pagkatuto, tulad ng ChatGPT na ginagamit ng mga magaaral bilang gabay sa kanilang pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay may layuning malaman ang ekstent ng paggamit ng ChatGPT sa mga mag-aaral ng Don Mariano Marcos Memorial State University Mid La Union Campus, partikular sa Senior High School. Inalam ng pag-aaral kung gaano kadalas at paano ginagamit ng mga mag-aaral ang ChatGPT bilang gabay sa kanilang pag-aaral. Disensyong Descriptive-quantitative Research ang ginamit. Ang mga kalahok ay binubuo ng isang daan at labingdalawang (112) mag-aaral mula sa Senior High School at ginamit ang talatanungan bilang pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos. Natukoy na karamihan sa mga magaaral ay paminsan-minsan lamang gumagamit ng ChatGPT. Hindi ito itinuturing bilang pangunahing sanggunian sa kanilang pagkatuto, kundi isa lamang sa mga alternatibong kasangkapan. Lumabas din na may mga mag-aaral na may limitadong kaalaman o pagunawa sa tamang gamit ng ChatGPT, habang ang ilan naman ay may agam agam sa kredibilidad at pagiging epektibo nito.
Description
Keywords
Citation
Pichay, H. S. C., Abalos, J. S., Arsitio, S. M. O., Cacayuran, K. J. L., Calixtro, X. M. A., Galanga, H. A. R., & Yaris, K. J. E. (2025). Chatgpt: Ekstent ng paggamit ng mga mag-aaral [Unpublished undergraduate thesis]. Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, City of San Fernando, La Union. Lakasa ti Sirib, DMMMSU Institutional Repository. https://lakasa.dmmmsu.edu.ph/handle/123456789/xxx
?? Usage Statistics