Publication:
Pagsusuri ng mga salitang-kilos sa wikang Kankanaey

No Thumbnail Available
Date
2023-05
Journal Title
Journal ISSN
Volume Title
Publisher
Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus
Research Projects
Organizational Units
Journal Issue
Abstract
Pokus ng pag-aaral na suriin ang mga salitang-kilos sa wikang Kankanaey lalo na sa proseso ng pagkakabuo ng mga salita sa tatlong aspekto: perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo. Ginamit ang panayam sa pangangalap ng datos kung saan tinanong ang kadalasang ginagawa sa araw-araw upang makuha ang salitang-kilos na kailangan sa pag-aaral. Sinuri ang mga salitang-kilos sa pagkakabuo nito sa tatlong aspekto. Ginamit na batayan ang isinagawang pag-aaral ni Ovilla (2019) sa wikang Kankanaey sa tatlong aspekto. Natuklasan ng mga mananaliksik na mas maraming mga salitang-kilos na ginamit sa pang-araw-araw na gawain. Sa aspektong perpektibo hindi lamang panlaping nan/um+salitang-ugat ang ginagamit para makabuo ng salitang-kilos, ginagamit din ang panlaping in+salitang-ugat. Nakita sa mga nakalap na datos na ginagamit ang panlaping nan/man/um+salitan-ugat sa aspektong imperpektibo. Kadalasang ginagamit ang panlaping um/man+salitang-ugat sa pagbuo ng pandiwang nasa aspektong kontemplatibo.
Description
Keywords
Citation
Fabia, N. R., Abuan, J. J. A., Antonio, S. K. C., Bantor, M. F. A., Gocela, M. M. F., & Fontanilla, R. G. (2023). Pagsusuri ng mga salitang-kilos sa wikang Kankanaey [Unpublished undergraduate thesis]. Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, City of San Fernando, La Union. Lakasa ti Sirib, DMMMSU Institutional Repository. https://lakasa.dmmmsu.edu.ph/handle/123456789/xxx
?? Usage Statistics