Browsing by Author "Galanga, Hazel Ann R."
Now showing 1 - 1 of 1
Results Per Page
Sort Options
Publication Chatgpt:(Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, 2025-05) Pichay, Harley Shane C.; Abalos, Jessica S.; Arsitio, Sheryn Mae O.; Cacayuran, Kayla Joyce L.; Calixtro, Xianne Mae A.; Galanga, Hazel Ann R.; Yaris, Kristel Joy E.; Madayag, Charity P.; Quinto III, Wenceslao R.; Flores, Evelyn C.; Jucutan, Venus L.Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga makabagong kasangkapan sa pagkatuto, tulad ng ChatGPT na ginagamit ng mga magaaral bilang gabay sa kanilang pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay may layuning malaman ang ekstent ng paggamit ng ChatGPT sa mga mag-aaral ng Don Mariano Marcos Memorial State University Mid La Union Campus, partikular sa Senior High School. Inalam ng pag-aaral kung gaano kadalas at paano ginagamit ng mga mag-aaral ang ChatGPT bilang gabay sa kanilang pag-aaral. Disensyong Descriptive-quantitative Research ang ginamit. Ang mga kalahok ay binubuo ng isang daan at labingdalawang (112) mag-aaral mula sa Senior High School at ginamit ang talatanungan bilang pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos. Natukoy na karamihan sa mga magaaral ay paminsan-minsan lamang gumagamit ng ChatGPT. Hindi ito itinuturing bilang pangunahing sanggunian sa kanilang pagkatuto, kundi isa lamang sa mga alternatibong kasangkapan. Lumabas din na may mga mag-aaral na may limitadong kaalaman o pagunawa sa tamang gamit ng ChatGPT, habang ang ilan naman ay may agam agam sa kredibilidad at pagiging epektibo nito.