Browsing by Author "Licuanan, Josephine P."
Now showing 1 - 1 of 1
Results Per Page
Sort Options
Publication Panag-abel:(Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, 2025-05) Olpindo, Jean; Mabanta, Edwina A.; Magalong, Joemalyn S.; Licuanan, Josephine P.; Camarao, Monaliza H.; Galicia, Reysa O.; Guzman, Rheina May Claris P.; Madayag, Charity P.; Chan, Mary Ann L.; Quinto III, Wenceslao R.; Jucutan, VenusAng panag-abel ay isang tanyag na paraan ng paggawa ng tela kung saan ang dalawang tipikal na hanay ng mga sinulid o filament ay pinaghalo sa tamang mga anggulo upang makabuo ng tela. Hindi lamang ito isang uri ng sining para sa mga katutubong Pilipino lalo na ng mga Ilocano, kundi naging bahagi na ng kultura ng mga Pilipino kaya sa tagal ngpanahon bagama't naging bahagi ng kultura, hindi na marunong ang kabataan sa gawaing ito lalo na ng mga katawagan. Kaya, ang pag-aaral na ito ay naglayong tukuyin ang mga tcrminolohiyang Iloco na ginagamit sa panag-abel at suriin ang kanilang leksikal at semantikang kahulugan. Ginamit ang kwalitatibong deskriptibong disenyo sa pananaliksik, kung saan snowball sampling ang naging metodo upang mapili ang mga kalahok sa pag-aaral. Ginamit ang semi-structured interview guide questions bilang pangunahing instrument sa pangangalap ng datos. Natuklasan na may labimpitong (17) katawagan sa mga kagamitan, lima (5) sa proseso, at anim (6) naman sa mga produkto ng panag-abel; sa leksikal na pagsusuri, nakita na ang payak na mga salita ay nilalapian ng panag- para makabuo ng mga terminolohiya na nasa pandiwang anyo upang ipakita ang proseso sa panag-abel. Sa mga kagamitan at produkto, karamihan ay nasa payak na anyo maliban sa mga salitang payatan at sapayan na hinulapian ng -an; at sa semantikang pagsusuri, nabibigyan ng kahulugan ang mga terminolohiya ayon sa gamit at pagkakagawa nito batay sa kulturang Ilocano.