Browsing by Author "Ducusin, Justine Paul F."
Now showing 1 - 1 of 1
Results Per Page
Sort Options
Item Epekto ng new normal education sa akademikong aspekto(Don Mariano Marcos Memorial State Univeristy - Mid La Union Campus, 2022-05) Martinez, Jecca A.; Almonte, Jimmy P., Jr.; Chan, Denirace G.; De Guzman, Jolina R.; Ducusin, Justine Paul F.; Rivera, Asner L.; Corpuz, Mary Ann C.Pokus ng pag-aaral na malaman ang antas ng paggamit ng mga makabagong daluyan sa new normal education sa akademikong aspekto, antas ng pagsang-ayon sa mga suliraning kinakaharap at epekto sa performance ng mga mag-aaral ng new normal education sa akademikong aspekto. Deskriptibong paglalarawan ang ginamit sa pananaliksik na ito. Naging respondente ang 149 na mag-aaral mula sa programang Batsilyer ng Sining sa Filipino, taong Panuruan 2021-2022 ng Don Mariano Marcos Memorial State University Mid La Union Campus. Natuklasan sa pag-aaral na lubos na ginagamit bilang makabagong daluyan sa pag-aaral ang Google Classroom, Gmail at Messenger sa new normal education sa akademikong aspekto. Hindi malinaw ang instruksyon sa gawain, walang budget pang¬ online class, at hindi maka-send ng gawain sa tamang oras ang lumabas na mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa new normal education. Lumabas na lubos na kasiya-siya ang performans ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Filipino.