Browsing by Author "De Guzman, Rizzalaine R."
Now showing 1 - 1 of 1
Results Per Page
Sort Options
Publication Ka-vogue(Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, 2023-05) Carino, Alona Marie A.; De Guzman, Rizzalaine R.; Flores, Korina P.; Servanda, Jomar D.; Soriano, Mhelody E.Pokus ng pag-aaral na malaman ang mga salitang binuo at paraan na ginamit sa pagbuo ng mga salitang Gay Lingo mula sa mga pahayag ni Vice Ganda sa kanyang Tiwtter Account Ginamit ang deskriptibong disenyo para suriin ang mga paraang ginamit. Ang korpus ng pag-aaral na ito ay nagmula sa Twitter Account ni Vice Ganda Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng mga paraan sa pagbuo ng mga salitang Gay Lingo ayon kina Bernales et al. (2016). Natuklasan ng mga mananaliksik na mayroong labing-isang (11) paraan ang kanyang ginamit sa pagbuo ng mga salitang gay lingo. Ang mga ito ay ang substitusyon sa mga titik o pantig ng salita, paggamit ng salitang katunog, paglalagay ng sariling panlapi, pagdaragdag ng mga titik, pagbuo ng akronim at pagkakaltas ng mga tinig o pantig ng salita. Ang ilan sa kanyang nabuong gay lingo ay ginamitan ng dalawang paraan sa isang salita katulad na lamang ng mga paraang pagkakaltas at substitusyon sa mga titik o pantig ng salita, pagdaragdag o substitusyon sa mga titik o pantig ng salita, pagkakaltas ng mga titik at pag-uulit ng mga salita, pag-uulit ng salita at paglalagay ng sariling panlapi, at pag-uulit at substitusyon sa mga titik o pantig ng salita.