Browsing by Author "Contreras, Jay S."
Now showing 1 - 1 of 1
Results Per Page
Sort Options
Item Panagdamili: leksikal at semantikang pagsusuri(Don Mariano Marcos Memorial State University - Mid La Union Campus, 2025-05) Contreras, Jay S.; Balanag, Rein Kyle C.; Cariño, Shyrinegel; Liwes, Jerome; Santos, Jomar N.; Quinto III, Wenceslao R.; Madayag, Charity P.; Chan, Mary Ann L.; Jucutan, Venus L.Ang Panagdamili ay ang tawag ng mga Ilokano sa paggawa ng palayok, paso at iba pang mga nabubuo gamit ang luwad. Kilala ang bayan ng San Juan, La Union sa kulturang panagdamili na nagsisilbi na ring kanilang hanapbuhay. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga leksikal na terminolohiyang Iloko na ginagamit sa panagdamili at ang mga semantikang kahulugan ng mga ito. Ginamit ang qualitative approach bilang disenyo ng pananaliksik. Gumamit din ng content analysis ang mga mananaliksik upang masuri ang mga sistematikong termino na mayroon ang kulturang panagdamili. Semistructured na gabay na tanong ang ginamit para sa panayam sa pangangalap ng datos, at gumamit ng snowball sampling upang matukoy ang mga kalahok. Ginamit din ang symbolic interactionist at dimensyon okupasyonal upang maunawaan kung paano binibigyan ng kahulugan ng mga nagdadamili sa kanilang ginagawa batay sa ugnayan nila sa ibang tao, sa kanilang kapaligiran at gawaing pangkabuhayan at pagkakakilanlan. Samantala, gumamit din ng coding at thematic analysis, lexical analysis, at semantic analysis upang suriin ang mga datos. Batay sa naging resulta, natuklasan na mayroong natatanging mga terminong Iloko ang ginagamit sa panagdamili. Sa leksikal nitong kayarian, gumagamit ng payak at maylaping mga salita. Napag-alaman na kapag ang salitang-ugat ay nilapian, nag-iiba ang kahulugan nito mula sa payak nitong kayarian.