Browsing by Author "Ancheta, Apple Trexie E."
Now showing 1 - 1 of 1
Results Per Page
Sort Options
Publication Saloobin ng mga mag-aaral sa distance learning(Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, 2021-05) Andaya, Rodmalyn G.; Ancheta, Apple Trexie E.; Camacho, Trisha May M.; Dela Cruz, Sheila Mae D.; Picaña, Danessa Rose A.; Manaois, Fely Rose B.; Madayag, Charity P.; Siong, Venus D.; Olivos, Bernadeth A.Nakapokus ang pag-aaral sa saloobin ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng Distance Learning. Layunin ng pananaliksik na malaman ang saloobin ng mga magaaral ukol sa pagpapatupad ng Distance Learning batay sa kagamitang pangteknolohiya, estratehiya sa pagtuturo at istatus ng pagkatuto; at malaman ang pinakamahina sa pagpapatupad ng Distance Learning batay sa kagamitang pangteknolohiya, estratehiya sa pagtuturo at istatus ng pagkatuto. Deskriptibong disenyo ang ginamit sa pananaliksik na ito. Ang respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng una hanggang ikaapat na taon ng kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino, College of Arts and Sciences, Don Mariano Marcos Memorial State University Mid-La Union Campus. Natuklasan sa pag-aaral na sa pagpapatupad ng Distance Learning ay mayroong kakulangan sa mga kagamitang pangteknolohiya tulad ng printer, tinta at mga gadyets na kailangan sa Distance Learning. Lumabas din sa pag-aaral na may kakulangan ang mga guro sa estratehiya ng pagtuturo sa mga mag-aaral bilang resulta hindi sapat ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng Distance Learning.