Palabay, Kara Nicole M.De Guzman, Rica Mae C.Fundales, Jayveelyn Crisel N.Mapili, Shaia Mae C.Pulido, Sheena Hannah D.Red, Claire C.2026-02-272026-02-272024-05Palabay, K. N. M., De Guzman, R. M. C., Fundales, J. C. N., Mapili, S. H. D. & Red, C. C. (2024). Paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral at guro sa mga piling asignatura ng general education. [Unpublished Undergraduate Thesis]. Don Mariano Marcos Memorial State University – Mid La Union Campus, City of San Fernando, La Union. Lakasa ti Sirib, DMMMSU Institutional Repository.https://lakasa.dmmmsu.edu.ph/handle/123456789/1138Full textAng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo at pagkatuto ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na mas epektibong matuto at mas malinang ang kanilang mga kakayahan. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga at paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo at pagkatuto, napapaunlad ang sistema ng edukasyon,at nagiging epektibo ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, layunin ng pag-aaral na alamin ang mga suliranin. hamon at kahalagahan ng paggamit ng Wikang Filipino ng mga mag-aaral at guro sa mga piling asignatura ng General Education. Ginamit ang qualitative na disensyo ng pananaliksik. Ang korpus ng pag-aaral ay nagmula sa kasagutan ng mga nasa ikatlong taon na mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Filipino (BSF), at mga gurong nagtuturo ng General Education sa asignaturang The Life and Works of Rizal, Ethics, Readings in the Philippine History, at The Contemporary World. Ang mga mananaliksik ay bumuo ng Semi-Structured Interview Guide bilang pangunahing instrument sa pangangalap ng mga datos at pinabalideyt sa mga eksperto. Ang mga nakalap na datos ay isinagawa at sinuri sa pamamagitan ng Thematic Analysis. Naluklasan na ang suliranin ng mga guro sa pagtuturo gamit ang wikang Filipino ay komprehensiyon gayundin na lumabas sa mga mag-aaral, bukod doon may suliranin din sila sa teknikal na bokabularyo at kakulangan sa kasanayan. Natuklasan na ang mga hamon ng mga guro sa pagtuturo gamit ang wikang Filipino ay limitadomg kagamitan gayundin ang lumabas na hamon sa mga mag-aaral, bukod doon may hamon din ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng limitadong bokabolaryo. Natuklasan din ang kahalagahan ng paggamit ni wikang Filipino sa pagtuturo ng mga guro ay ang pagtangkilik sa sariling wika, at ang kahalagahan para sa mga mag-aaral ay ang kultural na pagkakakilanlan at ang pagpapabuti ng pag-unawa. Batay sa resulta ng pag-aaral nakabuo ang mga mananaliksik ng mga mungkahi para sa pagpapahusay ng pagtuturo at pagkatutoen-USSOCIAL SCIENCES::Social sciences::Education::International educationPaggamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral at guro sa mga piling asignatura ng general educationThesis